DISIPLINA SA PAG-UUGALI NG MGA ESTUDYANTE PATUNGKOL SA TAGUMPAY NG MGA MAG-AARAL NG FILIPINO SA MGA PAMPUBLIKONG SEKUNDARYONG PAARALAN
Ailyn Grace P. Cabras, Josephine B. Baguio
Graduate School, The Rizal Memorial Colleges, Inc., Davao City, Philippines
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang makabuluhang ugnayan ng disiplina sa pag-uugali at tagumpay sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa mga pampublikong sekundaryang paaralan sa Caraga at Davao Oriental. Gamit ang disenyo ng pananaliksik na deskriptib-korelasyonal, isinama sa sarbey ang 155 mag-aaral na sumagot gamit ang mga pamantayang talatanungan. Ang mga datos ay isinuri gamit ang mean, standard deviation (SD), Pearson product-moment correlation, at multiple linear regression analyses. Ipinakita ng mga resulta na may mataas na antas ng disiplina sa pag-uugali at tagumpay sa Filipino ng mga mag-aaral. Sa analisis ng korelasyon, napag-alaman na may katamtamang positibong ugnayan sa pagitan ng disiplina sa pag-uugali at tagumpay sa Filipino. Nang magsagawa ng karagdagang analisis, natuklasan na ang mga domeyn ng disiplina sa pag-uugali tulad ng pagiging tagasuporta, tagapagpaubaya, tagapagkompromiso, at tagapag-ayos ay may makabuluhang impluwensiya sa tagumpay sa Filipino ng mga mag-aaral, na may pinakamatinding impluwensiya ang pagiging tagapagpaubaya. Samantalang ang domeyn ng pagiging tagapag-ayos ay hindi napatunayang may makabuluhang impluwensiya sa tagumpay sa Filipino ng mga mag-aaral. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda na magpatuloy at paigtingin ng mga tagapamahala ng paaralan ang mga programang tumutok sa pagpapalakas ng disiplina sa pag-uugali at pagpapabuti ng tagumpay sa Filipino sa pamamagitan ng mga pagsasanay at inisyatibo na magpapalaganap ng mga pagpapahalaga sa pagiging tagasuporta, tagapagpaubaya, at tagapagkompromiso sa mga mag-aaral.
Keywords: Disiplina sa Pag-uugali, Tagumpay sa Filipino, Pampublikong Sekundaryang Paaralan, Deskriptib-Korelasyonal, Edukasyon
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-06-16
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 6 |
| Month | : | June |
| Year | : | 2025 |