PROJECT PARES (PEER ASSISTED READING AND EDUCATION STRATEGIES): INTERBENSYON SA PAGPAPAUNLAD SA KASANAYANG PAGBASA AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-9 NA BAITANG
Divine P. Deloy, Isyd Mae Labastida, Manny B. Lig-onan
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang maaksyong pananaliksik na ito ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagbasa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekondarya partikular na sa kanilang komprehensyon sa pagbasa. Ang interbensyong PROJECT PARES (Peer-Assisted Reading and Education Strategies): Interbensyon sa Pagpapaunlad sa Kasanayang Pagbasa at Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang ay nakatuon sa kasanayan sa pagbasa at pag-unawa sa binasang teksto gamit ang classroom-based assessment tool na Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI). Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pre-experimental na disenyo na kung saan ito ay gumamit ng paired t-test na pamamaraan. Ang mga respondente ay napabilang sa nakakuha ng mataas na marka sa unang markahan at ang mga mag-aaral na napabilang sa pagkabigo na 24 na mga mag-aaral na mababa ang antas sa pagbasa at pag-unawa ay kolaboratibong magtutulung sa pagkatuto nang ikasiyam na baitang ng Sawata National High School. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pre-test ay inilalarawan na mababa samantalang ang naging resulta sa post-test ay mataas. Lumalabas na mayroong makabuluhang pagbabago sa pagitan ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral mula sa eksperimental na grupo matapos ang isinagawang interbensyon, t (8) = 8.951 p<.001. Samakatuwid, ang Project PARES ay isang epektibong pamamaraan upang mapalakas at mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral kaya iminumungkahi ng mga mananaliksik na na pagpapatupad ng pang-edukasyong suporta katulad ng peer tutoring bilang isang epektibong interbensyon sa pagpapaunlad sa kasanayang pagbasa at pagkatuto.
Keywords: Antas Ng Pagbasa, Peer-Tutoring, Post Test, Pre-Test, PHIL-IRI, Ika-9 Baitang Sawata National High School
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-06-20
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 6 |
| Month | : | June |
| Year | : | 2025 |