PROJECT D.R.E.A.M (DIGITAL READING ENGAGEMENT AND ACHIEVEMENT MOTIVATION): PAGPAPAUNLAD NG KASANAYANG PAG-UNAWA SA BINASANG TEKSTO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-8 BAITANG


Erica T. Taganahan, Janah Kyot M. Ylanan
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga epektibong estratehiya at mga interbensyon na inakma upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa pag-unawa sa binasang teksto ng tatlumpong mag-aaral sa ikawalong baitang sa Magatos Integrated School. Ipinatupad ang interbensyong PROJECT D.R.E.A.M. (Digital Reading Engagement and Achievement Motivation) na gumamit ng digital na kagamitan upang linangin ang pag-unawa sa binasang teksto. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pre-experimental na disenyo na kung saan ito ay gumamit ng paired t-test na pamamaraan. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na ang antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasang teksto ng mga mag-aaral sa pre-test ay inilalarawan na katamtaman samantalang ang naging resulta sa post-test ay malapit sa lubos na kahusayan. Lumalabas na mayroong makabuluhang pagbabago sa pagitan ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral mula sa eksperimental na grupo matapos ang isinagawang interbensyon, t (29) = 18.997, p<.001. Samakatuwid, ang Project DREAM ay isang epektibong pamamaraan upang mapalakas at mapaunlad ang kasanayang pag-unawa sa binasang teksto ng mga mag-aaral kaya iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pagpapatupad ng pang-edukasyong suporta katulad ng digital reading at interaktibong digital na mga laro bilang isang epektibong interbensyon sa pagpapaunlad sa kasanayang pag-unawa sa binasa at pagkatuto.
Keywords: Project D.R.E.A.M. (Digital Reading Engagement and Achievement Motivation), pag-unawa sa binasang teksto, pre-eksperimental, ikawalong baitang, Magatos Integrated School
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-06-20

Vol : 11
Issue : 6
Month : June
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft