PAGPAPAHUSAY NG PHONEMIC AWARENESS NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG SA PAMAMAGITAN PLAY-BASED LEARNING (SOUND BLENDING GAME, SOUND BLASTER, AT SOUND IT OUT GAME) : ISANG AKSYONAL NA PANANALIKSIK
Regine G. Dolores, Anna Mea S. Donaire, Stephen M. Gornez
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga epektibong estratehiya at interbensyon na inakma upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa phonemic awareness ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang sa Magatos Integrated School. Ang mga interbensyong ginamit ay pawang nakabatay sa play-based learning na kinabibilangan ng Sound Blending Game, Sound Blaster, at Sound It Out Game na layuning mapaunlad ang kasanayan sa pagkilala, pagbubuo, at manipulasyon ng mga tunog sa salita. Ang pag-aaral ay gumamit ng pre-experimental na disenyo sa pamamagitan ng one group pre-test and post-test na pamamaraan. Ang mga respondente ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang, seksyon Amethyst. Gumamit ang pananaliksik ng estadistikal na pagsusuri tulad ng mean, standard deviation, paired samples t-test, at Cohen’s d. Lumabas sa resulta na may makabuluhang pagtaas sa marka ng mga mag-aaral mula sa mean na 47% sa pre-test tungo sa 88% sa post-test. Ayon sa resulta ng paired sample t-test, ang pag-unlad ay estadistikang makabuluhan, t(32) = 22.012, p < .001, na may malaking epekto (Cohen’s d = 0.694), na nagpapakita na ang play-based learning gamit ang mga nabanggit na laro ay may positibong epekto sa phonemic awareness ng mga mag-aaral. Samakatuwid, iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang mga larong ito bilang bahagi ng mga estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa at pag-unawa sa wika ng mga mag-aaral sa ikapitong baiting.
Keywords: Phonemic Awareness, Play-Based Learning, Sound Blending, Sound Blaster, At Sound It Out, Magatos Integrated School
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-06-20
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 6 |
| Month | : | June |
| Year | : | 2025 |