SINING NG SALITA (TALUMPATI AT PANGKATANG PAGPAPAHAYAG): PAGPAPAHUSAY SA KUMPIYANSA SA PAGSASALITA SA WIKANG FILIPINO MULA SA IKA-10 BAITANG
Glydel D. Bastasa, Cristine Mae T. Mompol
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mapalakas ang kumpiyansa at husay ng mga mag-aaral sa pagsasalita gamit ang wikang Filipino sa pamamagitan ng isang interbensyong tinatawag na Sining ng Salita, na binubuo ng mga gawaing talumpati at pangkatang pagpapahayag. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang pre-experimental na disenyo na may pre-test at post-test upang masukat ang epekto ng nasabing interbensyon. Ang mga kalahok ay mga mag-aaral sa ikasampung baitang, seksyon Aluminum ng Kapalong National High School. Lumabas sa resulta ng pagsusuri, natukoy na mababa ang antas ng kumpiyansa ng mga mag-aaral sa pre-test, subalit nagpakita ng makabuluhang pagtaas sa post-test matapos ang implementasyon ng interbensyon. Batay sa estadistikong pagsusuri, gamit ang paired sample T-test, lumitaw ang makabuluhang pagkakaiba sa dalawang pagsusulit; sa interbensyong talumpati ay may t (59) = 35.542, p<.001 at sa interbensyong pangkatang pagpapahayag ay may t (7) = 11.964, p<.001 na kung saan lumabas na mayroong makabuluhang pagkakaiba ang ginawang paglalapat sa interbensyong Sining ng Salita. Nagpapatunay na naging epektibo ang Sining ng Salita bilang isang estratehiya upang mapaunlad ang kakayahan sa pagsasalita ng mga mag-aaral. Bilang konklusyon, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang integrasyon ng mga gawaing tulad ng pagtatalumpati at pangkatang pagpapahayag sa mga klase upang higit pang malinang ang kumpiyansa ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino.
Keywords: Talumpati, Pangkatang Pagpapahayag, Kumpiyansa, Pagsasalita Sa Wikang Filipino, Pre-Experimental Na Pag-Aaral, Ikasampung Baitang, Kapalong, Pilipinas.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-06-20
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 6 |
| Month | : | June |
| Year | : | 2025 |