FORMULATING SENTENCE EXERCISES: PAGHAHASA SA KANASAYAN SA PAGBUO NG ANGKOP NA PANGUNGUSAP SA IKA-8 BAITANG
Conie B. Cerna , Mea Julyca C. Pilapil , Margielyn P. Sardoma
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga epektibong estratehiya at mga interbensyong makatutulong upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa paggawa ng pangungusap sa mga mag-aaral ng ikawalong baitang. Ang pag-aaral na ito ay isang experimental research na gumagamit ng disenyong investigative approach na naglalayong matukoy kung may epekto ang ginamit na interbensyon sa mga suliraning kinakaharp ng mga nasa ika-8 na baitang sa paggawa ng pangungusap at masuri ang kanilang pag-unlad batay sa resulta ng pre-test at post-test. Batay sa naging resulta sa pag-aaral, ito ay nagpapahiwatig na higit na makabuluhan at may positibong epekto ang interbensyon o pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga pangungup, t (26) = 13.554 , p < .001. Ang paggamit ng interaktibo at nakakaenganyong aktibidad katulad ng spelling at pagkilala sa malalabong salita, tamang baybay, tamang pangungusap, game, ako’y gamitin mo sa tamang bantas, guhit-bantas, akoy suriin, titik ayusin, tama o mali sa malalaking titik, paggamit ng sentence starters, emosyon ko, Ilarawan mo!, larawan ko, Ilarawan mo!, ako’y buoin, at sa talata gamitin! ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang mapatibay at mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggawa ng pangungusap. Maaaring isaalang-alang ng mga tagapagturo ang paglalaan sa karagdagang atensyon sa pagpapabuti ng organisasyon, nilalaman, bokabolaryo, mekaniks partikular na sa bantas; kapitalisasyon, at pamamaraan kabilang wikang ginamit ng mga mag-aaral sa paggawa ng pangungusap sa pamamagitan ng iba’t-ibang interbensyon na angkop sa mga mag-aaral. Ang mga sumusunod ay idinadag: (1) Datos at pamamaraan; at (2) Mga karagdagang natuklasan.
Keywords: Pangungusap, Interbensyon, Interaktibong estratehiya, Pre-test, Post-test, Kasanayan, Ika-8 baiting, Philippines.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-06-24
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 6 |
| Month | : | June |
| Year | : | 2025 |