PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA SALITA SA WIKANG FILIPINO GAMIT ANG GRAPTEKS (TEKSTONG GRAPIKO) PARA SA MGA MAG-AARAL SA IKA-8 BAITANG NG ASUNCION NATIONAL HIGH SCHOOL
Joramae L. Mejarez, Maricel V. Amoguis
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga epektibong estratehiya at mga interbensyon na inakma upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa pagpapakahulugan ng mga salita sa Filipino sa Asuncion National High School. Ang pag-aaral na ito ay isang pre-eksperimental na gumagamit ng disenyong deskriptibo na naglalayong matukoy kung may epekto ang ginamit na interbensyon sa mga suliraning kinakaharp ng mga nasa ika-8 na baitang sa pagpapakahulugan ng mga salita sa Filipino at masuri ang kanilang pag-unlad batay sa resulta ng pre-test at post-test. Batay sa naging resulta sa pag-aaral, ipinapahiwatig na lubos na makabuluhan at may positibong epekto ang interbensyon o pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagpapakahulugan ng mga salita sa Filipino, t (32) =33.630, p>.001. Ang paggamit ng interaktibo at nakakaenganyong aktibidad katulad ng GrapTeks ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang mapatibay at mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpapakahulugan ng mga salita sa Filipino. Maaaring isaalang-alang ng mga tagapagturo ang paglalaan sa karagdagang atensyon sa pagpapabuti ng organisasyon, nilalaman, bokabolaryo, pamamaraan sa pamamagitan ng interbensyong ginamit na angkop sa mga mag-aaral.
Keywords: Grapteks, Pagkilala sa Kahulugan ng Salita, Pag-unawa sa Konteksto, Paggamit ng idyoma at tayutay
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-06-25
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 6 |
| Month | : | June |
| Year | : | 2025 |