CHATGPT AT ANG PAGSASALIN-WIKA: PAGSUSURI SA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL


Jheraldine M. Sareño LPT , Vicente A. Pines PhD
1.St. Mary’s College of Tagum, Inc.Graduate School Department, Tagum City, Philippines , 2.Sto. Tomas National High School, Sto. Tomas Davao del Norte , Philippines
Abstract
Layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay masuri, matukoy, at maunawaan ang karanasan ng labing-apat (14) na mag-aaral sa Senior High School sa paggamit ng ChatGPT sa pagsasalin-wika sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino sa pribadong paaralan ng Lungsod ng Tagum. Dagdag pa, ang ginawang pananaliksik ay makapagbibigay-gabay tugon at solusyon sa mga hamong nararanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng ChatGPT sa pagsasalin-wika sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino. Ang labing-apat (14) na naging partisipante sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga tugon na nakalap gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan ay sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Ang mga nasuring pahayag tungkol sa karanasan ng ng mga mag-aaral sa pagsasalin-wika gamit ang ChatGPT sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino ay: napadali ang pagsasalin, nakakuha ng pinakamalapit na salin, at nakaranasan ng teknikal na isyu. Tungkol naman sa tanong kung anong mga solusyong inilapat ng mga mag-aaral sa paggamit ng ChatGPT sa pagsasalin-wika ang mga nabuong tema ay: paggamit ng kritikal na pag-iisip, paghahanap ng iba pang sites sa pagsasalin, at sariling pagwawasto ng mga isinalin. Ang mga pangunahing tema na: kapakinabangan sa akademikong komunidad, tulong sa pagpapalawak ng kaalaman, gamit ng ChatGPT sa responsableng pamamaraan, at epekto sa kasanayang kognitibo ang lumitaw tungkol sa posibleng pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ChatGPT sa pagsasalin-wika sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino.
Keywords: Mag-Aaral Sa Senior High School, Chatgpt, Pagsasalin-Wika, Akademikong Sulatin, Penomenolohiya, Tematikong Pag-Aanalisa, Pribadong Paaralan, Lungsod Ng Tagum
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-06-25

Vol : 11
Issue : 6
Month : June
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft