EKSPLORASYON SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO NA LABAS SA KANILANG KADALUBHASAAN: ISANG PENOMENOLOHIYANG PANANALIKSIK


Floramie C. Aguspina LPT , Shirrey Ian B. Abueva. PhD
1. St. Mary’s College of Tagum, Inc., 2. Atty. Orlando National High School, Maco Davao De Oro , Philippines
Abstract
Ang mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong penomenolohikal na disenyo sa pananaliksik na ito upang tuklasin ang mga karanasan ng labing-apat (14) na guro sa Senior High School mula sa Maco North District, Davao de Oro, na nagtuturo ng asignaturang Filipino na labas sa kanilang kadalubhasaan. Pitong (7) guro ang isinailalim sa Focus Group Discussion (FGD) habang pitong (7) naman sa In-Depth Interview (IDI). Ginamit ang purposive sampling sa pagpili ng mga kalahok batay sa kanilang direktang karanasan sa pagtuturo ng Filipino. Lumabas mula sa pag-aaral ang apat (4) na pangunahing tema na naglarawan sa kanilang mga karanasan: pagkakaroon ng hamon sa paghahandang pedagohikal, pagkakaroon ng paraan at pagkatuto, pagpapakita ng pagganap at pag-unlad ng mag-aaral at pagkakaroon ng positibong pananaw sa sarili. Sa pagtugon sa mga hamon, natukoy ang tatlong tema: pagkakaroon ng suporta mula sa kapwa guro, paghahanda at pananaliksik, at paggamit ng multimedia sa gawain. Bilang suporta sa pagtuturo. Bukod dito, ibinahagi rin ng mga guro ang kanilang pananaw at mga mithiin na nagsilbing inspirasyon sa iba pang guro, na nagpakita ng apat na tema: pagiging bukas sa pagkatuto, pagiging madaling makibagay at makiangkop, pagiging mapamaraan at malikhain, at pagkakaroon ng kumpiyansa sa pagtuturo. Ipinapakita ng pag-aaral ang kahalagahan ng suporta, pagkatuto, at positibong disposisyon upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino na labas sa kadalubhasaan, at nagmumungkahi ng mga hakbang upang higit na mapalakas ang kapasidad ng mga guro sa ganitong kalagayan.
Keywords: Penomenolohiya, Kwalitatibo, Tematikong Pagsusuri, Pedagohiya, Pagtuturo Ng Filipino Labas Sa Kadalubhasaan, Guro, Maco North District.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-07-02

Vol : 11
Issue : 6
Month : June
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft