INTEGRASYON NG 4C'S (COMMUNICATION, COLLABORATION, CRITICAL THINKING, CREATIVITY) SA AKTIBONG PAKIKILAHOK AT KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PLANONG INTERBENSYON
Geraldine Arasa Esmas
FACULTY, LSPU
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nilayong alamin ang antas ng integrasyon ng 4c’s ayon sa kakayahan sa komunikasyon batay sa kasanayang berbal at di-berbal, pakikisangkot batay sa pangkatan at magkaparehang gawain, pag-aanalisa batay sa pagsusuri ng impormasyon at pagtukoy ng problema-solusyon at pagiging malikhain batay sa pagbuo ng gawain at paglalahad ng ideya. Inalam din sa pag-aaral na ito ang antas ng aktibong pakikilahok at kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral. Nilayon din nitong alamin ang ugnayan sa pagitan ng kasanasayang 4c’s at aktibong pakikilahok gayundin sa kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang disenyong ginamit sa pag-aaral na ito ay deskriptibong pamamaraan. Nagsilbing tagatugon ang mga mag-aaral sa Senior High School mula sa pangkat TVL, HUMSS at STEM ng Luisiana Integrated National High School Taong Panuruan 2024-2025. Ginamit ang sariling likhang talatanungan sa anyong tseklis upang malaman ang antas ng integrasyon ng 4c’s at antas ng pakikilahok ng mga mag-aaral samantalang gumamit naman ng rubrik para sa written at performance task upang matukoy ang kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral na parehong dumaan sa proseso ng balidasyon. Ginamit ang mean at standard deviation upang matukoy ang antas ng integrasyon ng 4c’s, aktibong pakikilahok at kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral samantalang Pearson Product Moment Correlation Coefficient naman upang matukoy ang ugnayan sa pagitan ng mga baryabol.
Lumabas sa pag-aaral ang na ang antas ng integrasyon ng 4c’s batay sa kakayahan sa komunikasyon, pakikisangkot, pag-aanalisa at pagkamalikhain ay nabigyan ng interpretasyon na may lubos at mataas na integrasyon. Sa antas ng aktibong pakikilahok, ayon sa partisipasyon sa klase at paksang pangnilalaman, ito ay lubos na nakikilahok. Gayundin ang lumabas sa antas ng kasanayang pampagkatuto ayon sa written task at performance task na may interpretasyon na mahusay at may kasanayan. At sa huli, may makabuluhang ugnayan ang integrasyon ng kasanayang 4c’s sa aktibong pakikilahok gayundin sa kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang kasanayang 4C’s ay nagpapakita na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng integrasyon ng kasanayang 4C’s at aktibong pakikilahok gayundin sa kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral kung kaya’t ang haypotesis ay hindi tinanggap. Nagpapatunay ito na ang mga kasanayan sa ilalim ng 4C’s ay dapat na patuloy na linangin ng mga guro sa pamamagitan ng mga estratehiyang lilinang sa kanilang aktibong pakikilahok at kasanayang pampagkatuto.
Iminumungkahi na bigyang-pansin pa ng mga mag-aaral, guro at paaralan ang mga gawaing lilinang sa kasanayang 4c’s bilang mga kasanayang kinakailangan sa ika-21 siglong pag-aaral. Ganoon din ang paglikha pa ng mga interbensyong kagamitan na makatutugon sa paglinang ng mga kasanayang nabanggit.
Keywords: Kasanayang 4C’s, Kasanayan sa Komunikasyon, Pakikisangkot, Pag-aanalisa, Pagiging Malikhain, Aktibong Pakikilahok, Kasanayang Pampagkatuto
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-07-14
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 7 |
| Month | : | July |
| Year | : | 2025 |