PAGLINANG NG PANG-UNAWA SA KONTEMPORARYONG AKDA AT KASANAYAN SA GRAMATIKA TUNGO SA PAGHUBOG NG KAUGALIAN NG MGA MAG-AARAL


Darlene Ann Arguil Consignado
FACULTY, LSPU
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Paglinang ng Pang-unawa Sa Kontemporaryong Akda at Kasanayan sa Gramatika Tungo sa Paghubog ng Kaugalian ng mga Mag-aaral”. Layunin nitong matukoy ang antas ng Pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga Kontemporaryong akda; malaman ang antas kanilang Kasanayan sa Gramatika at matukoy ang antas ng Paghubog ng kaugalian ng mag-aaral. Sinuri rin ng pananaliksik na ito ang kaugnayan ng Paglinang ng Pag-unawa sa Kontemporaryong akda sa Kasanayan sa Gramatika ng mga mag-aaral gayundin ang kaugnayan ng Paglinang ng Pang-unawa sa Kontemporaryong akda a Paghuhubog ng kaugalian ng mga mag-aaral. Gumamit ang pananaliksik ng Deskriptibong Pamamaraan. Ang bilang ng tagatugon ay binubuo ng tatlong daang (300) mag-aaral mula sa Baitang 10 sa piling paaralan sa bayan ng Liliw, Majayjay, Nagcarlan at Magdalena, Laguna Panuruang Taon 2024-2025. Ang mananaliksik ay gumamit ng “Stratified Sampling” upang mapili lamang ang tagatugon sa pag-aaral na isinagawa. Batay sa nakalap na datos, ang antas ng Paglinang ng pang-unawa sa Kontemporaryong akda ng mga mag-aaral ay nakakuha ng tugon na Lubos na sumasang-ayon na may berbal na pagpapakahulugan na Nauunawaan. Gayundin, ipinakita ang antas ng Kasanayan sa Gramatika, lumabas sa pag-aaral na Lubos na sumasang-ayon at nakakuha ng pagkabuuang berbal na pagpapakahulugan na May Kasanayan. Makikita rin ang magandang resulta ng Paghubog ng Kaugalian ng mga mag-aaral. Nagkamit din ito ng Lubos na sumasang-ayon at berbal na pagpapakahulugan na Nahuhubog. Isinasaad na may makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng Paglinang ng Pang-unawa sa Kontemporaryong akda at Kasanayan sa Gramatika. Ipinakita rin sa resulta ang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng Paglinang ng Pag-unawa sa Kontemporaryong akda sa Paghubog ng Kaugalian ng mga mag-aaral, Ang Paglinang ng Pang-unawa sa Kontemporaryong akda at Kasanayan sa Gramatika ay may makabuluhang kaugnayan sa Paghubog ng mga Kaugalian ng mga mag-aaral sa piling paaralan sa Laguna kung kaya’t ang haypoteses ay hindi tinatanggap. Ito ay nangangahulugan na mahalaga ang integrasyon ng masusing pagsusuri ng kontemporaryong akda sa pagtuturo gramatika upang mapalakas ang kasanayang lingguwistiko ng mga mag-aaral at ang kahalagahan nito sa paghubog ng kaugalian ng mga mag-aaral. Ang pagsasagawa ng pagsasanay at paglahok sa mga programang magpapahusay sa kakayahan ng mga guro sa pagtuturo ng wika at panitikan at ang masigasig na pagbabasa at pag-aaral ng gramatika ng mga mag-aaral, ang ilan sa ibinigay na rekomendasyon ng mananaliksik upang lubhang makakatulong sa paggamit ng wika at paglinang ng pagpapahalagang moral ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon.
Keywords: Paglinang, Paghubog, Kontemporaryong Akda, Kakayahang Linggwistiko, Moral na Pagpapahalaga.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-07-14

Vol : 11
Issue : 7
Month : July
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft