TUNGKULIN NG EDUKASYON AT TEKNOLOHIYA SA PAGPAPANATILI NG MGA TRADISYUNAL NA PANINIWALA SA BAYAN NG MAJAYJAY
Maika Julie Hernandez Garcia
FACULTY, LSPU
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa “Tungkulin ng Edukasyon at Teknolohiya sa Pagpapanatili ng mga Tradisyunal na Paniniwala sa Bayan ng Majayjay”. Layunin nitong matukoy ang Tungkulin ng Edukasyon at Teknolohiya. Dagdag pa rito ay ang antas ng Pagpapanatili ng mga Tradisyunal na Paniniwala sa Bayan ng Majayjay. Sinuri rin ng pananaliksik na ito ang makabuluhang ugnayan ng tungkulin ng edukasyon at teknolohiya sa pagpapanatili ng tradisyunal na paniniwala sa Bayan ng Majayjay.
Gamit ang deskriptibong-korelasyonal na disenyo, ang pananaliksik sa (248) tagatugon mula sa Baitang 8 sa lahat ng pansekondaryang paaralan sa Bayan ng Majayjay, Laguna na pinili gamit ang Purposive Sampling Technique.
Ayon sa resulta ng pananaliksik, ang antas ng Tungkulin ng Edukasyon sa mga mag-aaral ay nakakuha ng tugon na Lubos na Sumasang-ayon at berbal na pagpapakahulugan na Lubos na Nagagampanan. Sumunod dito ay ang antas ng Tungkulin ng Teknolohiya sa mga mag-aaral na nagtamo ng tugon na Lubos na Sumasang-ayon. Nakakuha rin ng pangkabuuang berbal na pagpapakahulugan na Lubos na Nagagampanan. Makikita rin ang magandang resulta ng Pagpapanatili ng mga Tradisyunal na Paniniwala sa Bayan ng Majayjay. Nagkamit din ito ng Lubos na Sumasang-ayon at Lubos na Napananatili. Isinasaad na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng Tungkulin ng Edukasyon sa Pagpapanatili ng mga Tradisyunal na Paniniwala sa Bayan ng Majayjay. Isinasaad din ng pag-aaral na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng Tungkulin ng Teknolohiya sa Pagpapanatili ng Tradisyunal na Paniniwala sa Bayan ng Majayjay.
Ang tungkulin ng edukasyon at teknolohiya ay may makabuluhang ugnayan sa pagpapanatili ng tradisyunal na paniniwala sa Bayan ng Majayjay kung kaya’t ang mga haypoteses ay hindi tinatanggap. Ito ay nangangahulugan na ang tungkulin ng edukasyon at teknolohiya ay mabisang kasangkapan sa pagpapanatili ng tradisyunal na paniniwala sa Bayan ng Majayjay.
Ang pagsasagawa ng mga programang pangkultura na magpapalakas sa identidad ng mga mag-aaral at pagsasagawa ng mga festival, seminar, at workshop ay makatutulong sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa lokal na tradisyon ang ilan sa ibinigay na rekomendasyon ng mananaliksik upang higit na mapalaganap at mapanatili ang tradisyunal na paniniwala sa Bayan ng Majayjay.
Keywords: Edukasyon, Teknolohiya, Tradisyunal na Paniniwala, Multikultural na Edukasyon, Inobatibong Pamamaraan
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-07-14
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 7 |
| Month | : | July |
| Year | : | 2025 |