ANILAG FESTIVAL: ANG PAPEL NG PAMAHALAAN AT KAHALAGAHAN NG PAGDIRIWANG SA KAUGALIAN AT KULTURA NG MAMAMAYAN
Noverlyn Dave Gabatin
FACULTY, LSPU
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa “Anilag Festival: Ang Papel ng Pamahalaan at Kahalagahan ng Pagdiriwang sa Kaugalian at Kultura ng Mamamayan.”Layunin nitong matukoy ang antas ng gampanin at kahalagahan ng pamahalaan sa pagdiriwang ng Festival, partikular sa pagpapanatili at pagpapayabong ng kaugalian at kultura ng mga mamamayan. Sinusuri rin sa pananaliksik na ito kung may makabuluhang kaugnayan ang papel ng pamahalaan batay sa gampanin at kahalagahan ng festival sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng mga kaugalian at kultura ng mamamayan.
Gamit ang quantitative correlational design,isinagawa ang pananaliksik sa (200) kalahok mula sa iba’t ibang bayan ng Laguna na pinili sa pamamagitan ng random sampling. Kabilang sa mga tagatugon ang mga mamamayan na may direktang karanasan sa pista, lokal na opisyal, kinatawan mula sa sektor ng turismo, at mga aktibong lumahok sa Anilag Festival.
Lumabas naman sa pag-aaral, na ang antas ng papel ng pamahalaan batay sa gampanin ng Anilag Festival ay lubos na nagampanan. Napatunayan rin sa pag aaral na ito na lubos na nakaugalian at kapansin-pansin ang Kahalagahan nito sa pagpapatibay ng kaugalian ng mamamayan. Habang ang resulta ng kultura ng mga mamamayan sa pagdiriwang ng Anilag ay ipinababatid rin na lubos na mahalaga .Gayundin, isinasaad na may makabuluhang ugnayan ang papel ng pamahalaan sa gampanin ng Anilag Festival at kahalagahan ng pagdiriwang sa pagpapatatag ng kaugalian at kultura ng mga mamamayan. Isinasaad rin dito na may makabuluhang kaugnayan ang papel ng pamahalaan batay sa gampanin at kahalagahan ng pagdiriwang ng Anilag Festival sa kaugalian at kultura ng mga mamamayan kung kayat ang haypotesis ay hindi tinanggap.
Ipinakita na may makabuluhang kaugnayan ang papel ng pamahalaan batay sa gampanin at kahalagahan ng pagdiriwang ng Anilag Festival sa kaugalian at kultura ng ng mga mamamayan kung kaya ang mga hypotheses ay hindi tinanggap .Bilang Konklusyon ito ay nagangahulugan na malaki ang ambag ng pamahalaan sa pag-unlad ng edukasyon, turismo, at kultural na kamalayan, gayundin sa pagpapaigting ng kasaysayan, tradisyon, at paniniwala ng komunidad. Gayunpaman, lumilitaw din na bagamat mahalaga ang papel ng pamahalaan, nananatiling mahalagang salik ang aktibong pakikilahok ng mamamayan upang lubos na maisabuhay ang diwa ng pagdiriwang.
Kayat inirerekomenda na palakasin ang papel ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo at iba pang kinakailangang suporta para sa mas organisado at epektibong pagsasagawa ng festival, nang hindi isinasantabi ang likas na pagpapahalaga ng mamamayan sa kanilang kultura. Maaari ring magsagawa ng mga seminar at workshops na tutuon sa kasaysayan, kahalagahan, at pinagmulan ng Anilag Festival upang mas maunawaan ng mga mamamayan ang malalim nitong koneksyon sa kaugalian at kultura.
Keywords: Anilag Festival,Papel ng Pamahalaan,kahalagahan ng pagdiriwang,Kaugalian,Kultura ng Mamamayan
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-07-14
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 7 |
| Month | : | July |
| Year | : | 2025 |