PAGLINANG NG ANTAS NG KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA SA BINASA NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 GAMIT ANG FIL10 APP


Adela P. Sacay, Niṅa Kristine C. Jazmines
1Filipino Department, Pag-asa National High School, Dasmariṅas City, Cavite, 2National Teachers College, Graduate School of Teacher Education, Quiapo, Manila, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malinang ang antas ng kakayahan sa pagbasa ang mga mag-aaral sa Baitang 10 ng Pag-asa National High School sa Taong Panuruan 2024-2025 gamit ang Fil10 App. Ginamit ang Purposive Sampling Technique sa pagpili ng kalahok. Gumamit ng disenyong Quasi-Eksperimental at metodong kwalitatibo-kwantitatibo. Ginamit na instrumento resulta ng pre at post test, sarbey-kwestyuneyr at interbyu. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng istadistikang Mean, Standard Deviation, Wilcoxon-Test at Kolmogrov-Smirnov Test . Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, tumaas ang iskor ng mga mag-aaral sa panapos na pagsusulit gamit ang Fil10 App. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan bago at pakatapos gamitin ang interbensyon kaya masasabing ito ay epektibo. Mula sa lumabas na resulta ng pag-aaral ay nagkaroon ng mungkahing programa sa pagbasa, ang Project PRIDE o Pag-asa Reading Intervention through Digital Literacy. Ang pag-aaral na ito ay nagpapatunay na mabisa ang ginamit na interbensyon. Kaya inirerekomenda na patuloy na gumawa ng mga programa sa pagbasa na lilinang sa kakayahang panlitersi ng mga mag-aaral, pagsasanay sa mga guro sa pagbuo ng materyal sa pagbasa na aangkop sa ika-21ng kasanayan.
Keywords: Pagbasa, paglinang, antas ng kakayahan sa pagbasa, Fil10 App, literasi, paunang pagsusulit, panapos na pagsusulit
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-07-14

Vol : 11
Issue : 7
Month : July
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft