KOGNITIBONG KAMALAYAN BILANG MODIREYTOR SA UGNAYAN NG KASANAYANG INTELEKTUWAL AT AKADEMIKONG MITHIIN NG MGA MAG-AARAL SA ANTAS NG SEKUNDARYA


Lenna Lean M. Tadle
Master of Arts in Teaching FIlipino, Rizal Memorial Colleges, Inc.
Abstract
Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng deskriptiv na pamamaraan sa pananaliksik gamit ang correlational na pamamaraan sa pananaliksik upang masuri ang makabuluhang epekto ng kognitibong kamalayan bilang modireytor sa ugnayan sa pagitan ng kasanayang intelektuwal at akademikong mithiin ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Ang mga napiling kalahok ng mananaliksik sa kasalukyang pag-aaral ay ang isang daan at limampong (150) mag-aaral sa antas ng sekundarya sa iilang paaralan sa Carmen District, Davao del Norte. Sa kabilang banda, natuklasan ng mananaliksik na ang antas ng kasanayang intelektuwal, akademikong mithiin, at kognitibong kamalayan ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya ay katamtaman. Samantala, natuklasan sa pag-aaral na mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayang intelektuwal at akademikong mithiin ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya kung may namamagitan na modireytor (kognitibong kamalayan). Panghuli, napag-alaman ng mananaliksik na ang kognitibong kamalayan ay isang epektibong modireytor sa ugnayan sa pagitan ng kasanayang intelektuwal at akademikong mithiin ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Kaya inirekomenda ng mananaliksik na ang mga tagapangasiwa ng Kagawaran ng Edukasyon ay inaasahang itaguyod ang integrasyon ng mga programa at patakaran na naglalayong mapalawak at mapabuti ang kognitibong kamalayan at kasanayang intelektuwal ng mga mag-aaral.
Keywords: Pagtuturo ng Asignaturang Filipino, kasanayang intelektuwal, akademikong mithiin, kognitibong kamalayan, modireytor, Pilipinas
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-07-23

Vol : 11
Issue : 7
Month : July
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft