INI (LIHIM) SA MGA BANSAGON NG PINTUYAN, SOUTHERN LEYTE TUNGO SA PAGBUO NG DOKYU-GLOSARYO
Sarah Mae B. Madrio
Teacher III, Pintuyan National Vocational High School, Pintuyan, Southern Leyte, Philippines
Abstract
Layunin ng pananaliksik na ito ay makilala ang mga bansagon sa bayan ng Pintuyan sa pamamagitan ng pag-alam sa mga ini(lihim) nito upang makabuo ng isang dokyu-glosaryo sa mga bansagon. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong pamamaraan sa anyong disenyong eksploratori (exploratory design) sa pamamaraang deskriptibong pagsasalaysay (descriptive narrative). Mga kalahok na may edad 60 pataas ang kinuha na mula sa iba’t ibang barangay ng Pintuyan, Southern Leyte. Pakikipanayam o interbyu ang pangunahing instrumentong ginamit sa pagkilala sa mga bansagon. Natuklasan na may pitumpu’t dalawa (72) na mga bansagon ang bayan ng Pintuyan. Karamihan sa mga Bansagon ay may tuwirang pakahulugan sa mga bagay, hayop, ekspresyon, o gawi. Natuklasan din na ang paggamit ng mga bansagon ay may malalim na koneksyon sa kasaysayan, paniniwala, at wika ng mga Pintuyanon. Sa ganitong konteksto, nahahayag ang mga sumusunod na elementong kultural a) Pagpapahalaga sa kasaysayan ng pamilya. Ang bawat bansagon ay tila talaan ng pinag-ugatang kasaysayan ng isang angkan. Nagsisilbi itong buhay na alaala ng mga kasaysayan ng ninuno, kanilang mga karanasan, kabiguan, tagumpay, o kahinaan. b) Pagkilala sa kolektibong alaala ng komunidad, sa elementong ito ang mga bansagon ay nagsisilbing anecdotal na alamat ng komunidad. Sa pamamagitan ng mga ito, naipapasa ang katuwaan, kabalintunaan, o kabalintunaan ng nakaraan na siyang nagpapalalim sa damdamin ng pagiging bahagi ng isang bayan. At c) Pagpapatibay sa lokal na wika at dayalekto. Karamihan sa mga bansagon ay nasa Binisaya o lokal na anyo ng wika, kaya’t mahalaga ang papel ng bansagon sa pagpapatibay at pagpapatuloy ng katutubong dayalekto. Ang Bansagon sa Pintuyan ay salamin ng buhay, kasaysayan, wika, at kolektibong alaala ng mga pamilya sa komunidad. Ito ay bahagi ng oral na panitikan at sosyo-kultural na diskurso na patuloy na nabubuhay sa pamamagitan ng wika, biro, at kwento. Ang bansagon ay isang anyo ng lingguwistikong at kultural na pamana na dapat pangalagaan upang mapanatili ang ugnayan ng kasalukuyang henerasyon sa kanilang pinagmulan. Iminungkahi ng na isama ang bansagon bilang bahagi ng lokal na aralin sa asignaturang Filipino, Araling Panlipunan, o Panitikan upang maipakilala ito sa kabataan bilang bahagi ng kanilang kultural na pamana.
Keywords: Ekspresyon; Dayalekto; Hitsura; Kolektibong Alaala; Lokal Na Wika
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-07-23
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 7 |
| Month | : | July |
| Year | : | 2025 |