MGA KAMALAYANG PANLIPUNANG NAPAPALOOB SA MGA HIMNO NG IKALIMANG DISTRITO NG LEYTE
Marian P. Ayop, Lorelie J. Paloma
1Teacher III, Javier National High School Javier, Leyte, 2Southern Leyte State University, Philippines
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang mga kamalayang panlipunang napapaloob sa mga himno ng iba’t ibang bayan at lungsod na nabibilang sa Ikalimang Distrito ng Leyte. Ginamit ng mananaliksik ang disenyong kwalitatibong paraan sa anyong pagsusuring pangnilalaman o content analysis. Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik ay pitong (7) himnong ginamit sa lungsod ng Baybay at sa bayan ng Javier, Abuyog, Mahaplag, Inopacan, Hilongos at Bato, Leyte. Natuklasan sa pagsusuri na ang mga kamalayang panlipunan sa mga himno ng Ikalimang Distrito ng Leyte ayon sa kalimitan sa paggamit nito ay sipag, pagsisikap at pagtitiis o pagpapasensiya, paggawa, pakikipagkapwa-tao, mahusay na pakikitungo at pakikipagsundo, kakayahang mabuhay, kalayaan at pagmamahal sa bayan, relihiyon, sariling disiplina, pamumuno, pagkukusa, pagpapanimula o pangunguna, pag-iwas o paglaban sa karahasan, malugod, magiliw at mabuting pagtanggap ng mga panauhin. Ang mga pinakatampok na kamalayang panlipunan sa mga himno ay ang mga kalayaan at pagmamahal sa bayan, pakikipagkapwa-tao, sariling-disiplina, sipag, pagsisikap at pagtitiis o pagpapasensiya, mahusay na pakikitungo at pakikipagsundo, paggawa, relihiyon, kakayahang mabuhay, at pagkatao. Isang Sanayang Papel (Learning Activity Sheet) na isang teacher-made na gawaing pampagkatuto ang nabuong awtput. Sa resulta ng pagsusuri ay nagpapahiwatig na mabisang paraan sa pagtamo ng kabatiran sa kamalayang panlipunang laganap sa isang bayan ay ang pagtuunan ng pansin ang mga orihinal at sariling literaturang namamayagpag dito dahil ito ay repleksyon ng kadakilaan at kultura ng isang bayan. Ang mga kamalayang panlipunan ay kinikilala ng lahat ng tao sa iba’ ibang kultura at ito ay likas sa tao. Nasasalamin sa mga nasuring kamalayang panlipunan ang pagkakakilanlan ng bawat lungsod at bayan. Ang mga himno ay repleksiyon ng pinagmulan ng lahi na pinag-ugatan ng kasalukuyan. Iminungkahi na ang mga himno ng bayan ay gawing lunsaran sa pagtuturo sa mag-aaral, sa pamamagitan ng paglalapat sa lokalisasyon at kontekstuwalisasyon upang lubos na magamit at maunawaan ang nilalaman, mga pagpapahalagang napapaloob dito at kahalagahan ng himno ng bayan.
Keywords: Pagkukusa; Pakikipagkapwa-Tao; Relihiyon; Sariling-Disiplina; Sanayang Papel
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-07-29
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 7 |
| Month | : | July |
| Year | : | 2025 |