BASIKONG PAG-AARAL AT PAGLALAPAT NG MGA HAMON SA KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO AT KASANAYAN SA PAGKATUTO SA FILIPINO: TUGON SA PAGBUO NG KASANGKAPAN SA PAGTUTURO
Jen Khettle Villa-Empamano
Laguna State Polytechnic University, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa masusing pagsusuri sa basikong pag-aaral at paglalapat ng mga hamon sa kakayahang komunikatibo at kasanayan sa pagkatuto sa Filipino, bilang tugon sa pagbuo ng kasangkapan sa pagtuturo na naglayong makuha ang antas ng basikong pag-aaral at paglalapat ng mga hamon sa kaalaman batay sa Hamon sa Pagbasa (dyslexia), at antas ng basikong pag-aaral at paglalapat ng mga hamon sa kaalaman batay sa Hamon sa Pagsulat (dysgraphia). Kabilang din sa layunin ang makuha ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral batay sa pagtatasa, at ang antas ng kasanayan sa pagkatuto sa Filipino batay sa performance task. Higit pa rito, layunin ng pag-aaral na matukoy ang makabuluhang epekto sa Hamon sa Pagbasa (dyslexia) at Hamon sa Pagsulat (dysgraphia) sa kakayahang komunikatibo at kasanayan sa Pagkatuto sa Filipino.
Gumamit ang pag-aaral ng isang deskriptibong metodong kwantitatibo upang siyasatin ang epekto ng mga hamon sa 71 mag-aaral na nakaranas ng mga hamon sa basikong pag-aaral at paglalapat, na walang medikal na dayagnosis. Ang mga tagatugon ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga datos ay sinuri gamit ang mean, standard deviation, remarks, at verbal interpretation mula sa pananaw ng mga tagatugon. Ang disenyong ginamit ay deskriptibong paraan.
Batay sa kinalabasan, lumabas sa pag-aaral na ang antas ng basikong pag-aaral at paglalapat ng mga hamon sa kaalaman batay sa hamon sa pagbasa (dyslexia) ay nailapat. Samantala, sa hamon sa pagsulat (dysgraphia), ay lubos na nailapat. Ayon sa pagtatasa ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral, nagtamo ng kasiya-siya o satisfactory ang pagbasang pagtatasa, at lubos na kasiya-siya ang pasulat na pagtatasa. Sa antas ng pagkatuto sa Filipino batay sa performance task, nagtamo ng katangi-tangi o outstanding sa pagbasang gawain, at lubos na kasiya-siya sa pasulat na gawain. May makabuluhang epekto sa pagitan ng basikong pag-aaral at paglalapat ng mga hamon sa kaalaman batay sa Hamon sa Pagbasa (dyslexia) subalit walang makabuluhang epekto sa Hamon sa Pagsulat (dysgraphia).
Ang pag-aaral ay nagpakita ng may makabuluhang epekto sa pagitan ng basikong pag-aaral at paglalapat ng mga hamon sa kaalaman batay sa Hamon sa Pagbasa (dyslexia) sa kakayahang komunikatibo at kasanayan sa pagkatuto sa Filipino ng mga mag-aaral kung kaya ang haypotesis ay hindi tinanggap. Ito ay nangangahulugang habang tumataas ang antas ng kaalaman sa hamon sa pagbasa, mas nagiging mahusay sa pagpapahayag sa kakayahang komunikatibo at sa kasanayan sa pagkatuto. Gayunpaman, walang makabuluhang epekto sa pagitan ng basikong pag-aaral at paglalapat ng mga hamon sa kaalaman batay sa Hamon sa Pagsulat (dysgraphia) sa kakayahang komunikatibo at kasanayan sa pagkatuto sa Filipino. Dahil dito, ang haypotesis ay tinanggap ang implikasyon na ito ay nagpahiwatig na ang mga mag-aaral na nakararanas ng hamon sa pagsulat (dysgraphia) ay hindi gaanong naapektohan ang kakayahang komunikatibo at kasanayan sa pagkatuto sa Filipino.
Iminungkahi na mahalagang magsagawa ng masusing pagsusuri sa mga hamong kinahaharap ng bawat mag-aaral upang matugunan ang kanilang pangangailangan kaugnay ng pagbasa at pagsulat.
Keywords: Basikong Pag-aaral, Hamon sa Pagbasa (dyslexia), Hamon sa Pagsulat (dysgraphia), Kakayahang Komunikatibo, Kasanayan sa Pagkatuto, at Pagtatasa.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-07-30
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 7 |
| Month | : | July |
| Year | : | 2025 |