PAGTUGON NG MAMBABASA SA MGA PILING BALAK NI NOEL P. TUAZON: ISTILO, TEMA, AT TEORYANG PAMPANITIKAN


Richel H. Minghay , Christian Donel L. Baugbog, Fe N. Conui , Jessel B. Anino, Charlene M. Hecale
College of Education, Holy Name University, Tagbilaran City, Bohol, Philippines
Abstract
Sinuri sa pag-aaral na ito ang mga piling balak ni Noel P. Tuazon gamit ang Reader’s Response Theory na naglayong tuklasin ang mga nakapaloob na istilo, tema, at mga teoryang pampanitikan sa mga sumusunod na balak: Sugub sa Alimadmad, Sama Nimo, at Kabilin na nanalo ng isang beses lamang sa bawat gawad-patimpalak na prestihiyosong kanyang sinalihan. Ipinakita sa pagsusuri kung paano tinanggap at binigyang-kahulugan ng mga mambabasa ang mga akdang ito batay sa kanilang karanasan, pananaw, at damdamin. Ginamit ng mga mananaliksik ang desinyong deskriptibo gayundin ang pamamaraang content analysis upang magalugad at masuri ang mga piling balak. Ginamit na basehan sa pagsusuri ng istilo ang mga linguistic devices o mga tayutay habang sa tema ay tekswal na analisis. Ang teoryang pampanitikan ay sinuri gamit ang mga pamantayan sa mga panunuring pampanitikan. Natuklasan sa pag-aaral ang mga temang sumasalamin sa kultura, karanasan, at damdamin ng makata, na nagpapakilala ng lalim at kahalagahan ng panitikang rehiyonal. Gayundin ang istilo ng mga balak ay binigyang-diin sa pamamagitan ng masining na paggamit ng simbolismo, talinghaga, at tayutay na nagdaragdag sa estetika at kabuluhan ng akda. Ang paggamit ng teoryang pampanitikan tulad ng eksistensyalismo ay nagbigay-liwanag sa mga pakikibaka at paninindigan ng tao sa harap ng pagbabago at hamon ng buhay. Sa kabuuan, ang panitikan ay epektibong nagiging daan upang maipahayag ang personal at kolektibong identidad ng mga Pilipino. Ang resulta ng pag-aaral ay makatutulong sa mga guro, manunulat, at mananaliksik sa mas malalim na pag-aaral ng balak at iba pang anyo ng panitikang Cebuano.
Keywords: Balak, Istilo, Tema, Mga Teoryang Pampanitikan, Reader’s Response Theory
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-08-22

Vol : 11
Issue : 8
Month : August
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft