MULA TITIK HANGGANG TINIG: ISANG INTERPRETIB NA PENOMENOLOHIKAL NA PAGSUSURI SA PAG-ANGAT NG NON-READER SA INDEPENDENT READER
Jay Mark I. Sausa, Dr. Marsan dela Salde
1. Master Teacher, Antonio V. Fruto Sr. National High School, 2. Part-Time Professor, University of the Immaculate Conception , Philippines
Abstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga karanasan, estratehiya, at pananaw ng mga tagapag-ugnay sa pagbasa sa matagumpay na pagpapabago ng mga non-reader tungo sa pagiging independent reader. Gumamit ito ng kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng Interpretib na Penomenolohikal na Pagsusuri (IPA) upang maunawaan ang malalim na kahulugan ng mga karanasang ito sa konteksto ng pagtuturo at pagkatuto. Walong (8) tagapag-ugnay sa pagbasa mula sa mga pampublikong paaralan sa Sangay ng Davao del Norte ang naging kalahok sa pananaliksik. Lumitaw sa pag-aaral na ang mga tagapag-ugnay sa pagbasa ay nahaharap sa iba’t ibang hamon gaya ng kakulangan sa oras, kagamitan, at pagsasanay; gayunman, napagtagumpayan nila ito sa pamamagitan ng kolaborasyon, dedikasyon, at pag-aangkop ng mga estratehiyang nakasentro sa mag-aaral. Kabilang sa mga epektibong estratehiya ang one-on-one reading sessions, peer tutoring, paggamit ng lokal na materyales, at pagbibigay ng emosyonal na suporta upang maibalik ang tiwala ng mag-aaral sa pagbasa. Ipinakita ng resulta na ang pag-angat ng mga mag-aaral mula sa non-reader patungong independent reader ay bunga ng makabuluhang ugnayan sa pagitan ng guro at mag-aaral, aktibong partisipasyon ng magulang, at suporta ng pamunuan ng paaralan. Sa teoretikal na pananaw, inangkla ang pag-aaral sa Sociocultural Theory ni Vygotsky, Cognitive Theory ni Anderson, at Reader-Response Theory ni Rosenblatt, na pawang nagbibigay-diin sa interaksyon, pagproseso ng impormasyon, at personal na pag-unawa bilang salik sa paglinang ng literasi. Iminumungkahi ng pag-aaral na palakasin ang propesyonal na pagsasanay ng mga tagapag-ugnay sa pagbasa at palawakin ang mga programang sumusuporta sa mga mag-aaral upang makamit ang layuning makapagbasa nang may tiwala at kasanayan.
Keywords: Tagapag-ugnay sa Pagbasa, Non-Reader, Independent Reader, Interpretib na Penomenolohikal na Pagsusuri
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-10-14
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 10 |
| Month | : | October |
| Year | : | 2025 |