SALIMBIBIG: ISANG NARATIBONG PAGSISIYASAT SA YAMAN NG PASALITANG PANITIKAN NG KAGAN


Florence Jasmin D. Vitasolo, Dr. Mildred P. Galvez
1. Master Teacher 1, Pindasan National High School, 2. Professor, University of the Immaculate Conception, Philippines
Abstract
Layunin ng disertasyong “Salimbibig: Isang Naratibong Pagsisiyasat sa Yaman ng Pasalitang Panitikan ng Kagan” ni Florence Jasmin D. Vitasolo na idokumento at suriin ang mga pasalitang panitikan ng Tribung Kagan sa Davao de Oro, kabilang ang kanilang mga alamat, kuwentong-bayan, pabula, awiting-bayan, at bugtong. Ginamit ang kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng naratibong pagsisiyasat na nakabatay sa teoryang hermeneutika ni Hans-Georg Gadamer upang maunawaan ang kahulugan at kontekstong kultural ng mga salaysay. Natuklasan na ang mga pasalitang panitikan ng Kagan ay sumasalamin sa kultural at ekolohikal na dimensyon ng kanilang pamumuhay ang ugnayan ng tao, kalikasan, paniniwala, at pagpapahalaga. Ipinapakita ng pag-aaral na ang mga salimbibig ay hindi lamang tagapag-ingat ng tradisyon kundi mahalagang daluyan ng identidad, moralidad, at karunungang katutubo. Inirerekomenda ang paggamit ng mga ito sa edukasyon bilang kasangkapan sa pagtuturo ng wika, panitikan, at kulturang Pilipino upang mapanatili ang Intangible Cultural Heritage ng mga katutubo. Ipinakita ng mga resulta na ang pasalitang panitikan ng Kagan ay masalimuot na salamin ng kanilang kultural at ekolohikal na dimensyon. Sa kultural na dimensyon, lumitaw ang pagpapahalaga sa kasunduan, katapatan, pag-ibig, sining, at pananampalataya bilang haligi ng kanilang pagkakakilanlan. Samantala, sa ekolohikal na dimensyon, binigyang-diin ng mga salaysay ang ugnayan ng tao sa kalikasan, gaya ng tubig, hayop, at halaman, bilang tagapangalaga ng buhay at balanse ng kapaligiran. Natukoy din sa pagsusuri ng wika ang mga tayutay gaya ng personipikasyon, metapora, ironiya, at pagmamalabis na nagsilbing daluyan ng kanilang karunungang-bayan at estetikong pagpapahayag. Pinatunayan ng pag-aaral na ang salimbibig ng mga Kagan ay hindi lamang mga simpleng kwento kundi daluyan ng kanilang katutubong karunungan, moralidad, at pagkakakilanlan. Inirerekomenda ng mananaliksik ang pagsasama ng mga ito sa kurikulum sa Filipino at Araling Panlipunan upang mapanatili at mapalaganap ang Intangible Cultural Heritage ng mga katutubo sa Mindanao at buong Pilipinas.
Keywords: Pasalitang Literatura, Naratibong Pagsisiyasat, kultural na pagkakilanlan, ekolohikal na dimensyon, Kagan, Lokal na Literatura ng Mindanaw
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-10-19

Vol : 11
Issue : 10
Month : October
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft