KAKAYAHAN AT ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO BILANG PREDIKTOR SA PAGKATUTO NG PANITIKANG FILIPINO: ISANG EXPLANATORY SEQUENTIAL MIXED METHODS


Glyce B. Buisan MAEd, Noemi N. Bernaldez PhD
1.Teacher III, Valeria B. Lopez Integrated School , 2.Part-Time Professor, University of the Immaculate Conception, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin kung ang kakayahan at estratehiya sa pagtuturo ng mga guro sa asignaturang Filipino ay maaaring maging prediktor sa pagkatuto ng panitikang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 7 sa Rehiyon XII. Ginamit pag-aaral ang explanatory sequential mixed methods design. Sa kwantitatibong bahagi, ginamit ang hinalaw at balidong talatanungan na ipinamahagi sa 300 na respondente, samantalang sa kwalitatibong bahagi, 17 na kalahok mula sa 300 na respondente ang pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Sa mga ito, sampu (10) ang sumailalim sa in-depth interview (IDI) at pito (7) sa focus group discussion. Lumabas sa pag-aaral na ang mga guro ay may pinakamataas na antas ng kakayahan (M = 4.54) at estratehiya sa pagtuturo (M = 4.52), gayundin ang pagkatuto ng mga mag-aaral (M = 4.57). Ipinakita ng multiple regression analysis na ang estratehiya sa pagtuturo (β = 0.6702, p < .001) ay may makabuluhang epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral, samantalang ang kakayahan sa pagtuturo (β = 0.0624, p = .269) ay walang direktang makabuluhang epekto. Pinagtibay ito ng kwalitatibong datos na nagpapakita na mas nagiging epektibo ang pagkatuto kapag ang mataas na kakayahan ng guro ay sinasabayan ng malikhaing estratehiya. Dagdag pa, ang integrasyon ng kwantitatibo at kwalitatibo resulta ay mayroong dalawang anyo–ang pag-uugnay-hindi pagkakatugma, at ang pag-uugnay–pagpapatibay.
Keywords: kakayahan sa pagtuturo, estratehiya sa pagtuturo, pagkatuto ng panitikang Filipino, explanatory sequential mixed methods
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-10-24

Vol : 11
Issue : 10
Month : October
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft