PAGTATAYA SA MGA PANGANGAILANGAN NG MGA MAG-AARAL SA GRAMATIKANG FILIPINO: PAGBUO NG KOMPREHENSIBONG PATNUBAY SA PAGTUTURO NG GRAMATIKANG FILIPINO
Cecille I. Palma
University of Perpetual Help System, Dalta, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin kung paano tinataya ng mga guro ang kakayahan ng mga mag-aaral sa gramatika sa Filipino gamit ang tatlong pangunahing uri ng pagtatasa: pre-assessment, formative assessment, at post-assessment. Sinuri rin ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika, kabilang ang pedagogikal, kagamitan, teknolohikal, at pagsasanay na aspekto, upang matukoy ang mga hamong nakakaapekto sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ng wika. Ginamit ang deskriptibong disenyo ng pananaliksik at purposive sampling, kung saan sampung guro mula sa San Isidro National High School, Distrito ng Catanauan II, ang lumahok.
Ipinakita ng resulta na mas binibigyang-halaga ng mga guro ang pre-assessment at formative assessment kaysa sa post-assessment, na may kabuuang antas ng “Sumasang-ayon” para sa naunang dalawang pagtatasa at “Hindi Sumasang-ayon” para sa post-assessment. Lumitaw na pinakamalaking hamon sa pagtuturo ay ang pedagogikal, kasunod ang teknolohikal, habang ang kagamitan at pagsasanay ay itinuturing na katamtaman. Ipinahihiwatig nito ang pangangailangan para sa mas mahusay na suporta, karagdagang pagsasanay, at epektibong kagamitan upang mapabuti ang pagtuturo ng gramatika.
Batay sa mga natuklasan, nakabuo ang pananaliksik ng isang komprehensibong gabay sa pagtuturo ng gramatika sa Filipino, na naglalaman ng makabagong estratehiya, integrasyon ng teknolohiya, pagpapahusay ng kagamitan, at patuloy na pagsasanay para sa mga guro. Layunin ng gabay na ito na mapabuti ang kalidad ng pagtuturo, masiguro ang mas malinaw na pagtataya ng kasanayan ng mag-aaral, at maitaguyod ang mas mataas na antas ng komunikasyon sa Filipino sa mga paaralang sekundarya.
Keywords: Pagtatasa ng Gramatika, Pagtuturo ng Filipino at Komprehensibong Gabay
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-10-26
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 10 |
| Month | : | October |
| Year | : | 2025 |