PANSARILING PAGTATAYA NG KAHUSAYAN SA PAMAMAHAYAG SA WIKANG FILIPINO: ISANG CONVERGENT NA PAG-AARAL
Mary Roxalie C. Abinsay, Mildred P. Galvez
1. Teacher & School Paper Adviser, Bernardo D. Carpio National High School, 2. Professor, University of Immaculate Conception, Philippines
Abstract
Ang convergent mixed-methods na pag-aaral ay tumalakay sa pagtataya ng kahusayan sa pamamahayag sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Rehiyon XI sa pamamagitan ng inangkop na self-assessment questionnaire para sa kwantitatibong bahagi at mga gabay na tanong para sa kwalitatibong bahagi ng pag-aaral. Sa kwantitatibo, 300 mag-aaral na mamamahayag mula sa mga pampublikong paaralan ng rehiyon at 7 kalahok ang sumailalim sa IDI at FGD upang mataya ang antas ng kahusayan sa pamamahayag. Ang pagsusuring kwantitatibo ay gumamit ng Mean, Standard Deviation, One-way ANOVA, at independent t-tests. Lumabas sa resulta na may mataas na antas ng kaalaman sa pamamahayag, pagsulat, paninidigan at matatas sa Wikang Filipino ang mga kalahok. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahusayan sa pamamahayag nang sinuri batay sa edad, kasarian, at uri ng paaralan. Habang sa kwalitatibong pagsusuri, lumabas mula thematic analysis at a priori coding ang apat na indicator: Kaalaman, Kahusayan sa Pagsulat, Paninindigan, at Paggamit ng Wikang Filipino na tumugma sa mga resulta ng kwantitatibong bahagi. Nagpakita ng pagsanib at pagkakatugma ng mga resulta mula sa kwantitatibo at kwalitatibong datos. Ang pag-aaral ay nagmungkahi ng mga programa at trainings sa mga mag-aaral upang mapahusay at mahasa pa ang kasanayan sa pamamahayag sa Wikang Filipino.
Keywords: Pamamahayag, pansariling pagtataya, mag-aaral, kahusayan, Wikang Filipino
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-11-10
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 11 |
| Month | : | November |
| Year | : | 2025 |