MULA SA PAGKATALO TUNGO SA TAGUMPAY SA PAGSABAK SA PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS: ISANG MULTIPLE CASE NA PAG-AARAL


Divina R. Odod, Vicente A. Pines Jr
1.Teacher II, Buda National High School, 2.Part-time Professor, University of the Immaculate Conception, Philippines
Abstract
Ang kwalitatibong multiple-case na pananaliksik na ito ay naglalayong ilarawan ang mga karanasan at pamamaraan ng mga estudyanteng mamamahayag sa pagharap sa mga hamon sa pamahayagang pangkampus. Gamit ang maximum variation sampling, pinili ang limang kalahok mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng Rehiyon XI at ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng malalimang panayam na pinagtibay ng trayanggulasyon mula sa iba pang kaugnay na impormante. Ang pagsusuri ay dumaan sa thematic analysis, at lumabas ang mga temang kabiguan bilang simula ng pagkatuto, pagbangon at pagpapatuloy, suporta at inspirasyon mula sa iba, pagpupursige at paghahanda, at tagumpay bilang bunga ng paglalakbay. Natukoy din ang mga temang pananampalataya sa sarili at pagtitiwala sa guro, positibong pag-iisip at pagpupunyagi, suporta ng pamilya, kaibigan, at komunidad ng paaralan, disiplina sa paghahanda, at pagpapanday ng kasanayan sa pagsusulat at kritikal na pag-iisip. Ipinapakita ng mga natuklasan na ang pamahayagang pangkampus ay hindi lamang tungkol sa kompetisyon kundi nagsisilbing makabuluhang espasyo para sa holistikong pagkatuto, paghubog ng kritikal na pag-iisip, at pagpapatatag ng tiwala sa sarili ng kabataan. Ang resulta ng pag-aaral ay may implikasyon para sa mas pinatibay na paggabay, sapat na pagsasanay, at mas malalim na pagbibigay-pansin sa emosyonal at sikolohikal na kalagayan ng mga estudyanteng mamamahayag.
Keywords: Edukasyon, Pamahayagang Pangkampus, Pagsulat Ng Editoryal, Pagkatalo, Tagumpay, Multiple Case Study, Pilipinas
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-11-10

Vol : 11
Issue : 11
Month : November
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft