TINIG SA HIMPAPAWID: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL SA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL NA MAMAMAHAYAG BILANG PANGUNAHING TAGAPAGBALITA SA RADIO BROADCASTING


Faye Dianne B. Banayo, Susan B. Dipolog PhD
1. Teacher – Katipunan Integrated School, 2. Adviser – St. Mary’s College of Tagum Inc, Philippines
Abstract
Layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay masuri, matukoy, at maunawaan ang karanasan ng labing-apat (14) na mag-aaral na mamamahayag bilang pangunahing tagapagbalita sa radio broadcasting sa Distrito ng Maragusan, Davao de Oro. Dagdag pa, ang ginawang pananaliksik ay makapagbibigay-gabay, tugon, at solusyon sa mga hamong nararanasan ng mga mag-aaral sa kanilang gampanin bilang tagapagbalita sa larangan ng radio broadcasting. Ang labing-apat (14) na naging partisipante sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga tugon na nakalap gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan ay sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Ang mga nasuring pahayag tungkol sa karanasan ng mga mag-aaral na mamamahayag ay: pagkakaroon ng palagiang pagsasanay, pagkakaroon ng sapat na oras, pagkakaroon ng sariling disiplina, tiwala, at interes, at paglinang ng kasanayan sa komunikasyon. Tungkol naman sa mga hamon na kanilang hinarap, ang mga nabuong tema ay: kakulangan ng kaalaman at kasanayan, kakulangan ng kasanayan sa balarila at bantas, at kahirapan sa pagbuo ng iskrip. Ang mga pangunahing tema hinggil sa kanilang pananaw bilang pangunahing tagapagbalita ay: pagsasaalang-alang ng kalinawan at tamang pagsasalita, pagsasanay sa kalinawan at kaangkupan ng boses, pagsasaalang-alang ng pidbak ng guro at kasamahan, at pagtanggap at pagpapahalaga sa mga komentaryo ng tagapagsanay. Ang mga temang ito ay nagpatunay na ang pagiging pangunahing tagapagbalita ay hindi lamang simpleng pagbabalita, kundi isang mas malalim na karanasang humuhubog sa kasanayan, disiplina, at pananaw ng mga mag-aaral. Gayundin, lumitaw na ang kanilang karanasan ay maaaring maging batayan upang higit pang mapaunlad ang programang pang-campus journalism at mga pagsasanay sa radio broadcasting.
Keywords: Radio Broadcasting, Mamamahayag, Penomenolohiya, Kwalitatibong Pananaliksik, Tagapagbalita, Distrito Ng Maragusan.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-11-16

Vol : 11
Issue : 11
Month : November
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft