PAGBASA AT PAGNINILAY: ISANG KWALITATIBONG PAGSUSURI SA MENSAHE NG ALEGORYA NG KWEBA


Jhona Aimee B. Malate, Portillo Garry II PhD
Leyte Normal University, Tacloban City, Leyte, Philippines
Abstract
Ang Alegorya ng Kweba ay isa sa pinakatanyag na akda ng pilosopong si Plato, na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan sa iba’t ibang larangan ng karunungan gaya ng pilosopiya, edukasyon, panitikan, at sikolohiya. Inilalarawan sa akda na ang ilang tao ay buong buhay na nakakulong sa loob ng isang kweba, nakagapos, at ang tanging nakikita ay mga aninong nililikha ng apoy sa kanilang likuran. Para sa kanila, ang mga aninong ito ang katotohanan. Ngunit nang may isa sa kanila na nakalaya at nakalabas sa kweba, natuklasan niyang may mas tunay na daigdig sa labas puno ng liwanag, kulay, at kaalaman. Ang kwentong ito ay sumasagisag sa paglalakbay ng tao mula sa kamangmangan patungo sa kaliwanagan, at sa proseso ng paghahanap ng katotohanan at pag-unlad ng kamalayan (Hall, 1980; Mouroutsou, 2011).
Keywords:
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-12-05

Vol : 11
Issue : 12
Month : December
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft