PAGTUKLAS SA KARANASAN NG MGA GURO NG WIKA NA NAGTUTURO SA ADVENTURE CAMP NG PAGPAPABASA GAMIT ANG WIKANG FILIPINO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL


Firsyt B. Palo LPT , Diza M. Rolida EdD
St. Mary’s College of Tagum, Inc., Tagum City, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Nilalayon ng pananaliksik na ito na alamin at tuklasin ang mga karanasan ng labing apat (14) na tagapagturo ng wika na nagtuturo ng Adventure Camp ng pagpapabasa gamit ang wikang Filipino sa mga pampublikong sekondaryang eskwelahan. Bukod dito, ang isinagawang pananaliksik ay makapagbibigay ng kaalaman at hakbang sa pagresolba ng mga pagsubok na nararanasan ng mga guro sa pagtuturo sa Adventure Camp ng pagpapabasa gamit ang wikang Filipino. Ginamit ang purposive sampling sa pagpili ng mga partisipante sa penomenolohikal na pag aaral na ito. Ang mga nakolektang tugon gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan ay sinuri sa pamamagitan ng tematikong pag-aanalisa. Ayon sa nasuring pahayag ng mga karanasan ng mga partisipante, lumitaw ang limang tema: pagkaudyok sa guro sa pagtuturo ng pagbasa sa Filipino, paglaban ng guro sa kahirapan ng epektibong pagtuturo ng pagbasa, pagpapausbong ng interes sa pagbasa, pagharap sa kakulangan ng oras, kagamitan, at pagsasanay ng mga guro, at pagpupunyagi ng guro sa kabila ng kakulangan ng suporta. Lumabas sa datos ang apat na tema sa pagtugon ng mga guro sa mga hamon: pagtutulungan sa pagpapaunlad ng pagbasa, paglalapat ng teknolohiya sa kahusayan ng kasanayan sa pagbasa, panloob at panlabas na motibasyon, at paghahanda at paglikha ng kagamitang pampagtuturo. Panghuli, naisiwalat ang apat na tema ng mga pananaw ng guro: pagpapamalas ng dedikasyon at bokasyon sa pagtuturo, pagpapatuloy sa pagsasanay at suporta para sa pagpapaunlad ng guro, pag-aangkop ng pagtuturo sa kakayahan ng mga mag-aaral, at pagpapaunlad sa pagbasa gamit ang mga estratehiya sa pagtuturo. Malaki ang pakinabang ng mga resultang ito sa tagapagturo, mag-aaral, at magulang nang mapalago ang mapanuring pag-iisip at kahusayan sa pagbasa. Gayundin, makabuluhan ito sa komunidad ng Dibisyon ng Tagum at ng mga karatig na dibisyon upang pagtibayin ang mga programa sa pagbasa. Sa mga mananaliksik sa hinaharap, magsisilbi itong gabay at batayan para sa mas malalim na paggalugad sa mga mabisang pamamaraan sa pagbasa
Keywords: Guro Ng Wika, Adventure Camp, Pagpapabasa, Wikang Filipino, Penomenolohiya, Tematikong Pagsusuri, Pampublikong Sekondaryang Eskwelahan, Lungsod Ng Tagum
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2026-01-04

Vol : 12
Issue : 1
Month : January
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft