PAGGALUGAD SA MGA KARANASAN NG MGA GURO NA NASA GINTONG PANAHONG NG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO GAMIT ANG MAKABAGONG LARONG PANG-EDUKASYON


Felix Jr L. Umantod LPT , Vicente A. Pines PhD
St. Mary’s College of Tagum, Inc., Tagum City, Philippines
Abstract
Layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay masuri, matukoy, at maunawaan ang karanasan ng labing-apat (14) na guro na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng makabagong larong pang-edukasyon bilang makabagong pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga pampribadong paaralan ng Bayan ng Laak, Laak Davao De Oro. Dagdag pa, ang ginawang pananaliksik ay makapagbibigay-gabay tugon at solusyon sa mga hamong nararanasan ng mga gurong nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng makabagong larong pang-edukasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang labing-apat (14) na naging partisipante sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga tugon na nakalap gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan ay sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Ang mga nasuring pahayag tungkol sa karanasan ng mga guro na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng mga makabagong larong pag-edukasyon sa aignaturang Filipino ay kakulangan ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya, kakulangan sapat na kagamitan, hamon sa integrasyon ng laro sa asignatura, at kawalan nang sapat na panahon sa paghahanda. Tungkol naman sa tanong kung anong mga tugon ng mga guro na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng mga makabagong larong pang-edukasyon ang mga nabuong tema ay pakikiangkop upang matuto, pagsasagawa ng kolaboratibong pagkatuto, at pagpapalawig ng kaalaman. Ang mga pangunahing tema na pagiging bukas sa pag-unlad, pagkaroon ng kumpiyansya sa sarili, pagtugon sa pangangailangan at paglalaan ng panahon sa pagsasakatuparan ang lumitaw tungkol sa mithiin ng mga guo na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng makabagong larong pang-edukasyon.
Keywords: Guro Na Nasa Gintong Panahon, Makabagong Larong Pang-Edukasyon, Asignaturang Filipino, Penomenolohiya, Tematikong Paggalugad, Pampribadong Paaralan, Bayan Ng Laak, Davao De Oro
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2026-01-07

Vol : 12
Issue : 1
Month : January
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft