PAGHAHANDA AT PAGTATAYA NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO NG MGA ARALING PANITIKAN SA BAITANG 7
Hinie D. Sola, Marina D. Acerit
Isabela State University, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makapaghanda at makapagtaya ng mga gawaing pampagkatuto Learning Activity Sheets (LAS) sa araling panitikan sa Baitang 7 batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs). Gumamit ito ng disenyo ng developmental ng research na ginabayan ng modelong ADDIE. Ang mga LAS ay sinuri ng labimpitong (17) guro at eksperto sa Filipino gamit ang Content Validity Index (CVI), at isinailalim sa try-out upang masukat ang bisa gamit ang mean scores at t-test. Lumabas sa resulta na may mataas na antas ng baliditi at kabisahan ang karamihan sa mga LAS, bagamat may ilang aspekto tulad ng kaligtasan at espasyong Biswal na nangangailangan ng rebisyon. Napatunayan na epektibo ang mga LAS sa pagpapalalim ng pag-unawa sa panitikan at kapaki-pakinabang para sa mga guro at mananaliksik sa paghahanda sa kagamitang pampagkatuto.
Keywords: Panitikan, Gawaing Pagkatuto, LAS, Melcs, ADDIE, Baliditi,Kabisaan, Pagtataya.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2026-01-26
| Vol | : | 12 |
| Issue | : | 1 |
| Month | : | January |
| Year | : | 2026 |