KASANAYAN SA WIKANG FILIPINO AT ANTAS NG PAG-UNAWANG PAMPANITIKAN NG MGA FILIPINO-CHINESE NA MAG-AARAL
Silvestre S. Liberato III, Marina D. Acerit
Isabela State University, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang ugnayan ng kasanayang panggramatika at antas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng mga mag-aaral sa Baitang 10 ng Philippine Yuh Chiau School, Inc. upang makabuo ng mga interbensyon sa pagtuturo ng wika at panitikan. Sinuri rin sa pag-aaral ang kaugnayan ng ilang personal at panlipunang salik ng mga mag-aaral gaya ng kasarian, unang wika, uri ng babasahing ginagamit, antas ng paggamit ng social media, edukasyon at hanapbuhay ng mga magulang, at buwanang kita ng pamilya. Gamit ang deskriptib-korelasyonal na disenyo, isinagawa ang pagsusuri sa pamamagitan ng gurong-gawang pagsusulit sa kasanayang panggramatika at pag-unawa sa panitikan. Ipinakita ng resulta na may makabuluhang ugnayan ang kasanayang panggramatika sa pag-unawa sa panitikan. Natukoy na ang kasarian, uri ng binabasa, at antas ng paggamit ng social media ay may kaugnayan sa kasanayang panggramatika at pag-unawa sa panitikan. Samantala, natukoy ding may bahagyang epekto ang hanapbuhay ng ama sa antas ng pag-unawa sa panitikan. Bunga ng mga natuklasan, iminungkahi ang mga interbensyong tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Keywords: Kasanayan sa Wika, Filipino, Pag-unawang Pampanitikan, Filipino-Chinese na Mag-aaral
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2026-01-28
| Vol | : | 12 |
| Issue | : | 1 |
| Month | : | January |
| Year | : | 2026 |