KASANAYAN SA PAGSULAT SA FILIPINO: BATAYAN SA DIHITAL AT KONTEKSTWALISADONG KAGAMITANG PANTURO


Laarmie B. Baldon, Medelyn M. Montenegro
1. Mount Olive National High School, Mount Olive, Bayugan City, 2. North Eastern Mindanao State University, Tandag City, Philippines
Abstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang antas ng kasanayan sa pagsulat sa Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 7, matukoy ang kanilang mga karaniwang pagkakamali at mga hamong kinakaharap sa proseso ng pagsusulat, at makabuo ng isang dihital at kontekstwalisadong kagamitang panturo na tutugon sa mga natukoy na pangangailangan. Ginamit ang mixed-method na disenyo, partikular ang convergent parallel design, kung saan pinagsama ang kwantitatibo at kwalitatibong datos upang makabuo ng mas malalim na pag-unawa sa suliranin. Animnapung (60) mag-aaral mula sa tatlong pampublikong paaralan sa Bayugan City Division ang napiling respondente gamit ang stratified, random, at purposive sampling. Batay sa resulta ng pag-aaral, lumalabas na ang kabuuang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral ay nasa katamtamang antas (M = 15), kung saan ang pinakamalaking kahinaan ay nasa baybay at bantas. Natukoy rin na ang maling baybay, maling paggamit ng bantas, at di-wastong estruktura ng pangungusap ang mga pinakakaraniwang kamalian. Ipinapakita rin ng datos na ang mga mag-aaral ay nakararanas ng iba’t ibang hamon tulad ng hirap sa pagbuo at organisasyon ng ideya, kakulangan sa bokabularyo, emosyonal na hadlang, at mga limitasyon sa kapaligiran at oras. Bilang tugon, binuo ang ePluma Linang bilang isang dihital at kontekstwalisadong kagamitang panturo na naglalayong mapabuti ang kasanayan sa pagsulat. Ipinapakita ng pag-aaral na ang komprehensibo at holistikong lapit na sumasaklaw sa lingguwistiko, kognitibo, at emosyonal na aspeto ay mahalaga sa pagpapabuti ng akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino
Keywords: Kasanayan sa Pagsulat, Filipino 7, Dihital na Kagamitang Panturo, Kontekstuwalisadong Pagkatuto, Gramatika at Mekaniks ng Pagsulat
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2026-04-01

Vol : 12
Issue : 3
Month : March
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft