PAGGALUGAD SA LOKAL NA INDUSTRIYA NG MUSIKA TUNGO SA KONTEKSTWALISADO AT NAKAUGAT-SA-KULTURA NA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SENIOR HIGH SCHOOL-ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM


Cary B. Escabarte , Fe N. Conui
1. Dr. Cecilio Putong National High School- Senior High School, Cabawan, Tagbilaran City, Bohol, 2. Holy Name University, Tagbilaran City, Bohol, Philippines
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na makapagdisenyo ng isang kontekstwalisado at nakaugat-sa-kulturang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino batay sa mga piling awitin ni Joseph C. Gara para sa mga mag-aaral ng Senior High School–Alternative Learning System (ALS). Tinutukoy nito ang nangingibabaw na kultural na pagpapahalaga at dimensyong pantao sa mga awitin, ang pag-uugnay ng mga ito sa mga kompetensi sa kurikulum, ang pagbuo ng kagamitang pampagtuturo, at ang pagsusuri sa antas ng baliditi at pagtanggap nito mula sa mga guro at mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang pinagsanib na pamamaraang kwalitatibo at kwantitatibo, kung saan isinagawa ang pagsusuring pangnilalaman sa tatlong piling mga awitin na “Paghunas,” “Duyan,” at “Bahandi” at sinuri ang nabuong materyal sa pamamagitan ng talatanungan na sinagutan ng 68 mag-aaral at tatlong guro. Ginabayan ng modelong ADDIE ang sistematikong pagbuo ng kagamitang pampagtuturo. Natuklasan na ang mga awitin ay nagtataglay ng mahahalagang kultural na pagpapahalaga tulad ng pagpapahalaga sa pamilya, katatagan, at identidad, gayundin ng mga dimensyong pantao na emosyonal, panlipunan, at eksistensyal. Ang nabuong kagamitang pampagtuturo ay nakapagtamo ng mataas na antas ng baliditi at pagtanggap mula sa mga kalahok. Ipinapakita ng mga resulta na ang integrasyon ng lokal na awitin sa pagtuturo ay nagpapalalim ng pagkatuto at nagpapataas ng interes ng mga mag-aaral. Samakatuwid, inirerekomenda ang mas malawak na paggamit ng mga lokal na awitin bilang kagamitang pampagtuturo upang higit na mapalakas ang kontekstwalisado at makabuluhang pagkatuto.
Keywords: Alternative Learning System, Kagamitang Pampagtuturo, Kultural na Pagpapahalaga, Kontekstwalisadong Pagtuturo, Lokal na Musika
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2026-04-12

Vol : 12
Issue : 4
Month : April
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft