CODE-SWITCHING SA KOMUNIKASYONG BERBAL NG MGA MAG-AARAL NG TULALIAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Carla Mae P. Landasan
Rizal Memorial Colleges, Inc, Philippines
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang karanasan, pananaw, at mekanismo ng mga mag-aaral sa paggamit ng code-switching sa komunikasyong berbal sa Tulalian National High School. Gumamit ang pananaliksik ng kwalitatibong penomenolohikal na disenyo upang makuha ang mas malalim na pag-unawa sa mga personal na karanasan ng labindalawang (12) kalahok mula sa Baitang 9 at 10. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng in-depth interview at focus group discussion, at sinuri gamit ang thematic analysis upang matukoy ang mga umuusbong na tema.Lumabas sa resulta na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral ang code-switching bilang estratehiya upang mapalinaw ang pagpapahayag ng ideya, mapadali ang pag-unawa sa aralin, at mapanatili ang daloy ng komunikasyon sa loob ng silid-aralan. Ipinakita rin na positibo ang pananaw ng mga mag-aaral dito sapagkat nakatutulong ito sa pagpapalawak ng bokabularyo, pagpapataas ng kumpiyansa, at pagpapalakas ng kolaboratibong pagkatuto. Gayunpaman, binigyang-diin ang pangangailangang gamitin ito nang may balanse upang hindi maapektuhan ang paglinang ng kasanayan sa target na wika. Natukoy din na ang code-switching ay nagsisilbing kognitibong suporta sa pagpoproseso ng komplikadong konsepto at mekanismo sa pagpapalakas ng pakikipag-ugnayang akademiko.Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa Sustainable Development Goal 4: Quality Education, sapagkat itinataguyod nito ang inklusibo at epektibong pagkatuto sa loob ng multilinggwal na kapaligiran. Ipinapahiwatig ng mga natuklasan na ang estratehikong paggamit ng maraming wika ay maaaring magsulong ng learner-centered na edukasyon at mas makabuluhang akademikong interaksyon.
Keywords: Code-Switching, Komunikasyong Berbal, Multilinggwal Na Edukasyon, Kognitibong Suporta, Akademikong Interaksyon
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2026-04-16
| Vol | : | 12 |
| Issue | : | 4 |
| Month | : | April |
| Year | : | 2026 |