MGA ESTRATEHIYA AT KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY: BATAYAN NG MGA GAWAING PANGKLASRUM
Julius J. Laguna, Fe N. Conui
1. Panghagban High School, Panghagban, Buenavista, Bohol, Philippines, 2. Holy Name University, Tagbilaran City, Bohol, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang ugnayan sa pagitan ng dalas ng paggamit ng mga estratehiya at antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa Distrito ng Catigbian, Bohol, Taong Aral 2025-2026. Gamit ang descriptive-correlational na disenyo, nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng modified na sarbey kwestyuneyr at pagsusuri gamit ang rubrik at istatistikal na pagsusuri tulad weighted mean, arithmetic mean, at Spearman’s Rank Correlation. Natuklasan na madalas gamitin ng mga respondente ang mga estratehiya sa pagsulat ng isang sanaysay. Subalit, ang mga estratehiya habang sumusulat ang nakakuha ng pinakamataas na composite mean (2.70), at ang mga estratehiya pagkatapos sumulat ang nakakuha ng pinakamababang composite mean (2.49). Natuklasan din ng pananaliksik na karamihan sa mga respondente ay nakakuha ng napakataas na antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay. Ipinapakita rin na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng dalas ng paggamit ng mga estratehiya at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay, na nangangahulugang ang regular na paggamit nito ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kakayahan sa pagsulat. Ang mga natuklasan ay nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga gawaing pangklasrum at mga rekomendasyon upang mapalakas pa ang kasanayan sa pagsulat. Ito ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili at mapabuti ang kalidad sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa kontekstong lokal. Sa huli, minabuti ng mananaliksik ang pagdebelop ng mga gawaing pangklasrum sa pagsulat ng sanaysay gamit ang “5K” bilang isang balangkas ng mga gawaing pangklasrum gamit ang mga estratehiya sa pagsulat ng sanaysay.
Keywords: Estratehiya sa Pagsulat, Gawaing Pangklasrum, Kasanayan sa Pagsulat, Pagsulat ng Sanaysay
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2026-04-18
| Vol | : | 12 |
| Issue | : | 4 |
| Month | : | April |
| Year | : | 2026 |