MGA ESTRATEHIYA SA SARILING PAGKATUTO AT PAMPANITIKANG LITERASI NG MGA MAG-AARAL
Janice L. Mara
Mananaliksik, Rizal Memorial Collges, Inc, Philippines
Abstract
Isinakatuparan ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng mga estratehiya sa sariling pagkatuto at pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Naging kalahok ng pag-aaral ang lahat ng mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Tagakpan, Sangay ng Lungsod ng Davao para sa Taong Panuruan 2021-2022. Sa pag- aaral, ginamit ang kwantitatibo at di-eksperimental na disenyo ng pananaliksik gamit ang deskriptib-korelesyon na metodo. Natuklasan na may mataas na antas ng paggamit ng mga estratehiya sa sariling pagkatuto ang mga mag- aaral. Bagamat mataas ang kabuoan, may dalawang indikeytor na nasa antas kamtamtaman: pagtukoy sa mga gawain at pagtataya at pagkilala. Ang antas ng pampanitikang literasi ng mga mag-aaral ay nasa katamtaman. May makabuluhang ugnayan ang paggamit ng mga estratehiya sa sariling pagkatuto at pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Napatunayan din na ang mga domeyn o indikeytor sa sariling pagkatuto ay may makabuluhang impluwensiya sa antas ng pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Maaaring magbalangkas ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga polisiya at patakaran para sa isahang pagtuturo-pagkatuto at gumawa ng inisyatiba para malinang ang pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Inirerekomendang magsagawa ng pag-aaral sa hinaharap ukol sa mga estratehiya sa sariling pagkatuto sa bagong normal at pampanitikang literasi ng mga mag-aaral gamit ang iba pang mga indikeytor.
Keywords: Sariling Pagkatuto, Pampanitikang Literasi, Rehiyon XI
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2026-04-25
| Vol | : | 12 |
| Issue | : | 4 |
| Month | : | April |
| Year | : | 2026 |