PAGLINANG NG MGA BABASAHIN TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG PAG-UNAWA AT PASALITANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA INMATES SA ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Janet D. Miculob, Fe N. Conui
1. Dr. Cecilio Putong National High School Senior High School, Cabawan Tagbilaran City Bohol, Philippines, 2. Holy Name University, Tagbilaran City, Bohol, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang antas ng pag-unawa ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) gamit ang Oral Reading Verification Test (ORVT) upang matukoy ang kanilang pagkakategorya. Sa City Jail, Tagbilaran City, 60 na mag-aaral na PDL ang lumahok sa pananaliksik na ginagamitan ng experimental na disenyo. Nakalap ang datos mula sa DepEd ORVT bilang pre-test at sa kontekstuwalisadong ORVT na binuo ng mananaliksik bilang post-test, na sinuri sa pamamagitan ng t-test at Pearson correlation. Natuklasan na mababa ang antas ng pag-unawa ng mga PDL, kung saan marami ang nabibilang sa frustration readers. Gayunpaman, matapos ang interbensyon sa pagbasa gamit ang kontekstuwalisadong babasahin, ay nagkaroon ng makabuluhang pagtaas sa kanilang kakayahan sa pag-unawa. Ipinakita rin ng resulta na may ugnayan ang mga profile variables gaya ng kasarian, edad, sibil na estado, at haba ng pagkakakulong sa antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, napatunayan na ang oral reading performance na sinusukat sa pamamagitan ng ORVT ay may direktang kaugnayan sa comprehension, na nagpapatibay sa teoryang ang mas mahusay na oral reading ay kaakibat ng mas mataas na pag-unawa. Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na mahalaga ang paggamit ng kontekstuwalisadong babasahin sa pagtuturo ng mga PDL. Ang pagbuo ng mga kontektwalisadong materyales bilang interbensyon ay isinagawa sa gabay ng ADDIE model (Analysis, Design, Development, Implementation, Evaluation) upang matiyak na ang mga babasahin ay sistematikong nakabatay sa pangangailangan ng mga mag-aaral, lohikal ang disenyo, epektibo ang implementasyon, at nasusuri ang bisa sa aktwal na konteksto ng pagbasa. Sa ganitong paraan, ang kontekstuwalisadong ORVT ay nagiging mabisang daan upang mapalakas ang antas ng pag-unawa, mapaunlad ang oral reading, at maisulong ang inklusibong edukasyon na nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon para sa patuloy na pagkatuto ng mga PDL. Susing Salita — ADDIE model, comprehension, contextualized reading, oral reading verification test, persons deprived of liberty, inclusive education
Keywords: ADDIE model, comprehension, contextualized reading, oral reading verification test, persons deprived of liberty, inclusive education
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2026-05-02
| Vol | : | 12 |
| Issue | : | 4 |
| Month | : | April |
| Year | : | 2026 |