PAPEL NG KRITIKAL NA PAG-IISIP SA UGNAYAN NG AKTIBONG PAGKATUTO AT MABISANG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO


Girlie S. Cabiles LPT, Estrella B. Salazar EdD
Holy Cross of Davao College, Davao City, Philippines
Abstract
Ang pagkatuto sa asignaturang Filipino ay mababa. Layunin ng pag-aaral na masuri ang kritikal na pag-iisip bilang tagapamagitan sa aktibong pagkatuto at mabisang pagkatuto sa Filipino. Ginamit ang prediktibong disenyo mula sa 228 mag-aaral ng Baitang 11 sa pamamagitan ng proportionate stratified random sampling at sinuri gamit ang Mediation Analysis at Bootstrapping na metodo. Natuklasan na ang aktibong pagkatuto ay may makabuluhang tuwiran at di-tuwirang epekto sa mabisang pagkatuto sa asignaturang Filipino sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip bilang partial mediator na sumusuporta sa Teoryang Konstruktibismo. Iminumungkahi sa mga guro ang aktibong pedagohiya at kagamitang pampagtuturo sa Filipino, gayundin ang pag-aaral ng iba pang baryabol at kuwalitatibong metodo sa kritikal na pag-iisip para sa mga mananaliksik sa hinaharap.
Keywords: kritikal na pag-iisip, aktibong pagkatuto at mabisang pagkatuto, mag-aaral sa asignaturang Filipino
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2026-05-18

Vol : 12
Issue : 5
Month : May
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft