IMPLUWENSIYA NG SALIK SA PAGGAMIT NG TAGLISH AT KAKAYAHANG GUMAMIT NG PORMAL NA FILIPINO SA PASALITANG KOMUNIKASYON


Maricho B. Jamandre LPT, Estrella B. Salazar EdD
Holy Cross of Davao College, Philippines
Abstract
Isang malaking hamon sa edukasyon ang lumalalang kahinaan ng mga mag-aaral sa paggamit ng pormal na wika sa pasalitang komunikasyon. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang makabuluhang korelasyon sa pagitan ng salik sa paggamit ng Taglish at ang kakayahang gumamit ng pormal na Filipino sa pasalitang komunikasyon. Ang pananaliksik ay may disenyong prediktib, proportionate stratified random sampling technique, sa pamamagitan ng sarbey, at multiple linear regression. Ang datos ay nakalap mula sa 200 mag-aaral, na nagpapakita na ang prediktibong modelo ay malakas sa antas 66% at may makabuluhang impluwensya sa pasalitang komunikasyon. Ang resultang ito ay nagpapatibay sa Communicative Competence Theory. Iminumungkahi ang pagsasagawa ng karagdagang pananaliksik at kwalitatibong pag-aaral. Magpapatupad ang mga lider sa paaralan ng mga programang magpapalakas sa pasalitang komunikasyon at maglunsad ng mga pagsasanay upang mapabuti ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng pormal na Filipino.
Keywords: Impluwensiya ng salik sa paggamit ng Taglish, kakayahang gumamit ng pormal na Filipino, pasalitang komunikasyon
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2026-05-19

Vol : 12
Issue : 5
Month : May
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft