EBOLUSYON NG KABABAIHAN MASASALAMIN SA MGA PILING PELIKULANG PILIPINO: BASEHAN SA PAGPAPAYAMAN NG KURIKULUM SA FILIPINO SA PAMAMAGITAN NG PAGBUO NG MODYUL


Suzette Dc. Domingo
Nueva Ecija University of Science and Technology, Philippines
Abstract
Nilayon ng pag-aaral na ito na ilarawan sa pamamagitan ng pagsusuring feminismo ang mga pelikulang nagkamit ng parangal ang bidang babae na maaaring maging basehan sa pagpapayaman ng kurikulum sa Filipino. Sinuri ang apat na pelikulang Pilipino na ipinalabas mula 1980 hanggang 2016. Magdusa Ka, Madrasta, Abakada Ina at Unmarried Wife. Naging sandigan ng kabuuang pananaliksik ang mga simulain at prinsipyo ng teoryang feminismo. Ipinakita ng bawat pelikulang sinuri ang ebolusyon ng mga kakabaihan na nagpalutang sa kanilang karakter at identidad bilang babae. Ang bawat pelikula ay nagbigay imahen sa iba’t ibang kaakuhan ng isang babae na masasalamin sa kanilang mga kilos, pananalita at pag-iisip. Iminumungkahi na mga guro, na marapat na iugnay sa kanilang pagtuturo ang mga temang may pagpapahalaga sa kalakasan ng mga kababaihan. Bigyang-pansin ang panoorin sa paaralan sa mga pelikulang naglalarawan ng katangian ng mga kababaihan. Makatutulong ito upang mapataas pang lalo ang antas ng mga kababaihan at mapukaw ang tagagawa ng kurikulum sa paaralan na magbigay tulong at aksyon na ang paggamit ng pelikula bilang dulog o lapit sa pagtuturo ng panitikan upang makatulong sa lalong ikatututo ng mga mag-aaral hindi lamang sa aspetong pang-akademya, gayundin sa paghubog sa kamalayan moral at sosyal.
Keywords: Ebolusyon, Feminismo, Kultarang Pilipino, Dulog, Modyul, Kurikulum
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2026-05-21

Vol : 12
Issue : 5
Month : May
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft