MGA PILING BARYABOL NA NAKAKAIMLUWENSYA SA PAG-UUGALI NG MGA MAG-AARAL NG GRADE12 SENIOR HIGH NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY


Sierra Marie S. Aycardo
Instructor, LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY SANTA CRUZ LAGUNA
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyante hinggil sa impluwnsya ng Piling Varyabol sa Kaugalian ng mga mag-aaral batay sa 1.1Pasilidad 1.2Kurikulum 1.3 Guro 1.4 Panturo 2. Ano ang pananaw ng mga estudyante ukol sa kasapatan ng mga kaalamang itinuturo sa Paaralan hinggil sa impluwenya ng mga Piling varyabol sa kaugalian ng mga mag-aaral batay sa Moral at sosyal na kaugalian? 3. May makabuluhang epekto ba ng antas ng kaalaman ng mga estudyante hinggil impluwensya ng Piling Varyabol sa Kaugalian ng mga mag-aaral? Ang mga mananaliksik ay gumamit ng diskriptibong pamamaraan upang makalap ang mga tiyak na kasagutan at mahahalagang impormasyon ng mga mag-aaral. Ang mananaliksik ay bumuo ng talatanungan at itoy ipinamahagi sa tatlumpong (60) mag-aaral sa senior High School ng Laguna State polytechnic University. Ang pag – aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagseserbey. Ang mananaliksik ay maghahanda ng isang serbey – kwestyoneyr na maglalayong makapangalap ng mga datos. Ang weighted mean at T-test ay ginamit upang malaman ang antas upang masuri ang mga piling baryabol na nakakaimpluwensya sa pag-uugali nga ng SHS sa LSPU. Koklusyon 1. ang antas ng kaalaman ng mga estudyante hinggil sa impluwnsya ng Piling Varyabol sa Kaugalian ng mga mag-aaral batay sa Pasilidad ay sumasang-ayon samantalang ang , Kurikulum, Guro,at Panturo ay ganap na sumasang-ayon 2. Ang pananaw ng mga estudyante ukol sa kasapatan ng mga kaalamang itinuturo sa Paaralan hinggil sa impluwenya ng mga Piling varyabol sa kaugalian ng mga mag-aaral batay sa Moral at sosyal na kaugalian ay ganap na sumasang-ayon 3. May makabuluhang epekto ang antas ng kaalaman ng mga estudyante hinggil impluwensya ng Piling Varyabol sa Kaugalian ng mga mag-aaral
Keywords:
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2021-09-21

Vol : 7
Issue : 9
Month : September
Year : 2021
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft