INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA


Adigue Andrea P, Policarpio Samantha L.
Associate Prof 2, Nueva Ecija University of Science and Technology
Abstract
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edukasyong primarya sa panahon ng pandemya. Hangarin ng pananaliksik na siyasatin ang kuwentong-buhay ng mga ina bilang kabahagi at katuwang ng mga guro sa pagsisiguro ng pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabila ng kalagayang pampandemya na kinahaharap ng lipunan. Pangkalahatang layunin sa papel na ito na galugarin ang karanasan ng mga ina na silang sumasagot ng mga gawain sa modyul ng kanilang anak sa panahon ng pandemya. Gayon din ang hangaring masuri ang mga hamon at motibasyon na naghimok sa kanila upang sila ang magsagot ng mga gawain sa modyul ng anak. Sumangguni ang mga mananaliksik sa iba’t ibang kaugnay na mga pag-aaral at literatura upang mapagtibay ang papel. Ginamit ang kwalitatibong metodo na may disenyong Husserlian Descriptive Phenomenology at Colaizzi’s Seven Steps of Data Analysis upang mailarawan at magalugad ang kuwentong-buhay ng mga ina na silang sumasagot ng mga gawin sa modyul ng kanilang mga anak. Napili ang limang kalahok sa pag-aaral sa pamamagitan ng purposive sampling batay sa mga sumusunod na kriterya: (1) Ina na may anak na nag-aaral sa primarya, (2) Ina na siyang sumasagot ng gawain sa modyul ng anak. Pakikipanayam ang ginamit na instrumento sa pangangalap ng datos na binubuo ng interview guide na may tatlong open-ended questions. Isang paraan ang pag-aaral na ito upang makabuo ng mga programang makatutulong sa mga magulang na maibsan ang kanilang mga alalahanin. Higit sa lahat, upang magbigay diin na hindi dapat ang mga magulang ang siyang dapat na magsagot ng mga gawain sa modyul ng kanilang mga anak.
Keywords: modyul, ina, edukasyon, pandemya
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2022-10-04

Vol : 8
Issue : 10
Month : October
Year : 2022
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft